Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Papalakasin pa ng Quezon City Government ang conflict resolution mechanisms para sa mga usaping paggawa!
Pormal nang lumagda sa kasunduan ang QC Government at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagtatatag ng Quezon City Alternative Dispute Resolution Desk (QUAD-R) program.
Sa pamamagitan ng QUAD-R Program, mapapabilis at mapapahusay ang pagresolba sa iba-ibang usaping paggawa sa lungsod.
Sasanayin ang mga kawani na humahawak ng mga kaso para matiyak ang patas na proseso, at masigurong makatarungan at katanggap-tanggap ang magiging kasunduan ng bawat panig.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at DOLE-NCR Regional Director Atty. Roy Buenafe ang MOA signing.










