Pumirma ng kasunduan ang lokal na pamahalaan sa PLDT Enterprise para sa isasagawang fiberization sa Quezon city hall compound, na magkokonekta sa 15 gusali sa loob nito. Magkakaroon din ng libreng WIFI sa mga gusali.
Bukod dito, may kasunduan rin sa pagtatayo ng wifi areas sa mga pampublikong lugar sa lungsod, para mabigyan ng libre at mabilis na internet connection ang mga QCitizen.
Naging kinatawan ng pamahalaang lungsod sina Mayor Joy Belmonte at City Administrator Mike Alimurung, habang sina Small and Micro Business Vice President Aniceto Franco III, at Enterprise Revenue Group FVP and Head Vic Tria para sa PLDT Enterprise.