Naging panauhin si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na showing ng Monday First Screening na pinagbidahan ng mga premyadong aktor na sina Gina Alajar at Ricky Davao sa direksyon ni Benedict Mique. Ito ang kauna-unahang pelikula na itatanghal ng NET25 Films.
Tampok din sa pelikula ang mga award-winning actors na sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos, David Shouder, kasama sina Allen Abrenica, at Reign Parani.
Nakiisa sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, at District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave sa premiere showing ng pelikula.