Halina’t makisaya sa Mooncake Festival sa Banawe!
Sa isinagawang press conference ngayong Huwebes, ibinahagi ng lokal na pamahalaan ang iba-ibang programa at pakulo sa gaganaping Mooncake Festival (Mid Autumn Festival) sa Z Mall sa Linggo.
May cultural performances, Giant Mooncake Display, Record Breaking Traditional Dice Game, Lantern Show, Evening Act, at mga instagrammable na gallery. Tampok din ang special perfomances nina Richard Yap at Mccoy de Leon.
Ito ang unang pagkakataon na isasagawa ng lokal na pamahalaan ang pagdiriwang na pangalawa sa pinakamahalagang selebrasyon para sa mga Filipino-Chinese.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang selebrasyon ng Mooncake Festival ay isa rin sa mga inisyatibo ng lungsod para maitaguyod ang Quezon City Chinatown sa Banawe bilang isa sa mga tourism district.
Bukod kay Mayor Joy, naroon din sa press conference sina QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc. President Rorvik Cheng, mga kinatawan ng QC Chinatown Development Foundation Inc., at mga opisyal at department head ng lokal na pamahalaan.
Kaya QCitizens, isama ang buong pamilya at makisaya sa Mooncake Festival sa Linggo.










