Happy 84th Anniversary, Quezon City!
Masayang nagparada ang mga empleyado ng Quezon City Hall upang ibida ang kani-kanilang mga departamento.
Pinangunahan naman ng Quezon City Hall Employees Athlete Association at Tourism Department ang Palarong Pinoy; pukpok palayok, patintero, lato-lato, hula hoop, at asintabla (cornhole) para sa mga kawani.
Nakiisa at nakisayaw rin ang mga department head at action officer ng lokal na pamahalaan sa zumba dancing na ginanap sa Quezon Memorial Circle.