Muling nasungkit ng Quezon City ang Most Business-Friendly City Award (City Level 1A – HUC’s in NCR) mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagkilala kasama sina QC Business Permits and Licensing Department Head Margie Mejia at QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office Head Mona Celine Yap sa ginanap na 50th Philippine Business Conference.

Back-to-back na ang panalo ng Quezon City matapos matanggap ang pagkilalang ito noong nakaraang taon.

Patunay ito na buo ang suporta at sinisiguro ng lokal na pamahalaan ang paglago ng lahat ng negosyo sa lungsod.

+16