Kinilala ang Barangay Culiat bilang Most Child-Friendly Barangay sa Quezon City!
Iginawad nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Department of the Interior and Local Government (DILG) Quezon City Field Office Director Manny Borromeo, at mga konsehal ang parangal sa mga best barangay, sa culmination activity ng Children’s month sa QC M.I.C.E. center.
Pumangalawa at pumangatlo naman bilang Most Child-Friendly Barangay ang Sauyo at Sikatuna Village.
Ang Most Child-Friendly Barangay award ay pagkilala sa mga barangay na may pinakamakabatang polisiya, at mayroong mga programang tumutugon sa mga problemang kinakaharap ng mga bata tulad ng child labor at child abuse.