SALAMAT PO, MAHAL NA INA!
Napuno ng pagpapala ang idinaos na banal na misa sa pagdalaw ng Most Holy Rosary – La Naval de Manila sa Amoranto Sports Complex sa Distrito 4.
Nagpasalamat sa Mahal na Ina at patuloy na biyaya para sa Lungsod Quezon ang dasal ni Mayor Joy Belmonte.
Ngayong araw ang grand procession ng Patrona ng lungsod na idadaos sa Sto. Domingo Church.
Dumalo rin sa misa sina Councilors Nanete Daza, Mara Suntay, Imee Rillo, Irene Belmonte, Raquel Malañgen, Godie Liban, Egay Yap, Vicente Belmonte, Ivy Lagman, at Migs Suntay. Nasa misa rin sina Chief of Staff Rowena Macatao, QC Department heads, at Action Officers.