Congratulations, Mayor Joy at sa buong Quezon City!
Kinilala ng National Nutrition Council ang Quezon City Government bilang Most Improved LGU in the Implementation of Nutrition-Sensitive Programs at Most Improved LGU Performance in Nutrition Program Management.
Ginawaran din si Mayor Joy Belmonte ng Nutrition Leadership Award dahil sa kanyang mahusay na pamumuno. Kabilang dito ang pagsusulong ng mga programa para sa wastong nutrisyon na makakatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng bawat QCitizen.
Tinanggap ni QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez ang mga parangal bilang kinatawan ni Mayor Joy.