Basta QC, suportado ang active mobility!
Tinanggap ng lokal na pamahalaan ang Most Outstanding Local Active Transport Program Award mula sa Department of Transportation Inter-Agency Technical Working Group on Active Transport (IATWG-AT) kasabay ng selebrasyon ng National Bike Day 2024 noong ika-24 ng Nobyembre.
Kasama sa mga tumanggap ng pagkilala sina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, at Parks Development and Administration Department head Arch. Red Avelino.
Mas lalo pang pag-iigihan ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, ang paghatid ng mga proyekto at programa upang itaguyod ang active transportation.