Patuloy ang paglalagay ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pangunguna ni Engr. Danneedee Bobadilla, ng markings para sa ekslusibong motorcycle at PUV lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue upang maiwasan ang aksidente sa kalsada at mapabilis ang daloy ng trapiko.

Ang first lane ay para sa mga bisikleta, E-bike at E-scooter. Kasunod ang PUV lane para sa mga jeep, UV Express, at bus. Ang third lane naman ay ang motorcycle lane para sa mga motorsiklo. Ang mga motoristang hindi susunod sa itinalagang lanes ay papatawan ng multa.

Hindi tumitigil sa pakikipag-ugnayan ang Quezon City Government sa MMDA para sa kaligtasan ng mga motorista at pasahero sa ating mga kalsada.