Lumagda sa isang kasunduan sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Debbie Dacanay, OIC ng Persons with Disability Affairs Office, Humanity & Inclusion (HI) at Leonard Cheshire Disability Philippines Foundation Incorporated (LCDPFI) para bigyang suporta ang mga kabataang may kapansanan sa Lungsod Quezon.
Layon ng programang “Thrive Together: Empowering youth with disabilities in Asia” na tulungan ang nasa 580 kabataang may kapansanan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kanilang kakayahang makapagtrabaho, habang itinataguyod ang mas bukas at inklusibong mga lugar ng trabaho.
Target ng partnership sa QC LGU na suportahan ang 200 kabataan may kapansanan sa lungsod sa pamamagitan ng capacity-building activities, probisyon ng personalized support services, referral sa social services, at iba pa.