Sa Quezon City, sinisigurong No Juan Left Behind!
Pormal nang lumagda sa kasunduan ang Quezon City Government, pamunuan ng Park Inn by Radisson North EDSA, at Bureau of Jail Management and Penology – NCR (BJMP-NCR) para sa pagtatatag ng Food and Beverage Service Training para sa persons deprived of liberty (PDL) sa QC Jail Male Dormitory.
Sa ilalim ng programa, sasailalim sa pagsasanay ang mga PDL na nais matuto bilang service providers. May itinayo ring “meeting room” sa Male Dorm na magsisilbing training area nila.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang Park Inn by Radisson North EDSA na nagbigay ng kasanayan, pagkakataon, at pag-asa sa mga PDL.
Ayon pa sa alkalde, ang training ay magsisilbi ring tulay para matuldukan na ang stigma sa mga PDL, at mabigyan sila ng oportunidad para makapagsimula muli kapag na-reintegrate na sa komunidad.
Bukod kay Mayor Joy, dumalo rin sa MOU signing sina BJMP-NCR Regional Director JCSupt. Baby Noel Montalvo, Park Inn by Radisson North EDSA General Manager Reycie Gutierrez, BJMP-NCR QC Jail Male Dormitory Warden JSupt. Maria Lourdes Pacion, BJMP-NCR QC Jail Female Dormitory JSupt. Lourvina Abrazado, QCPD Director PBGen. Randy Silvio, at mga department head ng lokal na pamahalaan.










