Nakikiisa ang lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, sa 18 araw na kampanya para wakasan ang karahasan sa kababaihan o violence against women (VAW).
Aktibo ang grupong Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) na pinamumunuan ni Vice Mayor Gian Sotto sa pagsusulong ng isang komunidad na may paggalang sa kababaihan.
Mahalaga ang papel ng kalalakihan upang mapigilan ang mga kaso ng pang-aabuso, at maging aktibong tagapagtaguyod ng karapatan at kapakanan ng kababaihan sa lungsod.
Sa QC, walang puwang ang pang-aabuso, pambabastos, pananakit, at pang-mamaltrato sa kababaihan.
May mga batas na tumutugon sa VAW, kabilang ang mga sumusunod:
RA 9262 – Anti-Viloence Agains Women & Their Children Act of 2004
RA 9710 – Magna Carta of Women
RA 11313 – Safe Spaces Act
RA 9208 – Anti-Trafficking in Persons Act of 2003
RA 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, & Discrimination Act
SP-2501, S-2016 – Quezon City Gender & Development Code