Nanguna ang Quezon City Gender and Development Council Office at Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) Philippines sa MOVE, Kisay! Seminar kasama ang mga mag-aaral ng Quezon City Science High School.
Tinalakay sa seminar ang iba-ibang polisiya tulad ng Safe Spaces Act at Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan at sila ay maging advocate laban sa VAWC.
Magiging bahagi rin ng MOVE PH ang mga lalaking mag-aaral upang maipagpatuloy nila ang hangarin ng organisasyon na tuldukan ang karahasan sa mga kababaihan.




