Naimbitahan si Mayor Joy Belmonte bilang panauhin sa ginanap na “Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Family and Media Summit” na pinangungunahan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio.
Ibinahagi ng alkalde ang mga hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan upang masiguro na child-friendly ang QC.
Pinaalala din niya sa mga magulang na gabayan ang mga anak at nagrekomenda rin na panoorin ang mga pelikula tungkol sa mga isyu sa bayan at komunidad. Ito ay makakatulong at magiging inspirasyon upang mahubog ang kinabukasan ng mga kabataan.