Pagbati sa mga kabataang QCitizens! 👧👦

Umabot sa 7,036 preschoolers ang sabay-sabay na nagsipagtapos sa idinaos na moving up ceremonies ng Quezon City Child Development Centers (CDC) na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte sa City Hall Risen Garden ngayong araw.

Ang mga estudyante ay mula sa District 4, 5, at 6 na binubuo ng 147 CDC. Personal namang ipinamahagi ni Mayor Joy ang mga medalya sa 1,764 outstanding students mula sa tatlong distrito.

Dumalo rin sa seremonya sina Coun. Joe Visaya, Coun. Ram Medalla, Coun. Shay Liban, Chief of Staff Rowena Macatao, District 4 Action Officer Al Flores, at Social Services Development Department OIC Carolina Patalinghog.

+28