Mainit ang pagtanggap ng Lungsod Quezon sa mga opisyal at kawani ng Municipal Engineering Office ng munisipalidad ng Pinamalayan, Oriental Mindoro sa kanilang pagbisita sa lungsod para sa benchmarking activity.

Pinangunahan ng QC Department of Building Official (DBO) at QC Office of the City Engineer (OCE) ang knowledge-sharing na hatid ng lungsod para sa kanila. Tinalakay sa event ang pag-automate ng mga transaksyon ng departamento gayundin ang iba-ibang programa at sistemang ginagamit ng lungsod para sa mas mabilis na transaksyon at mga proseso.

Present din sa event sina DBO OIC Mark Dale Diamond P. Perral, CED OIC Isagani R. Verzosa Jr., Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Francis S. Javillonar, at si Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene S. Grapilon. Naroon naman sina Municipal Engineer Manolito E. Masculino at Assistant Engineer Eric Z. Sta. Romana bilang pangunahing kawani ng munisipalidad.