Pinangunahan ng Social Services Development Department (SSDD), sa pamumuno ni OIC Ms. Ma. Lorelei Salvador, ang benchmarking activity ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) ng Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Tinalakay at ibinahagi ng SSDD ang mga innovative programs at services ng Lungsod Quezon para sa mga children in need of special protection, kabilang ang QC SAFE Seal, Unified Referral System, at Task Force Sampaguita. Inilatag din ang Social Welfare Assistance at Financial Subsidy para sa Senior Citizens, Solo Parents, at iba pang vulnerable sectors.
Kasama ring ipinresenta ang iba- ibang online services ng SSDD sa ilalim ng QC e-Services, na naglalayong gawing mas madali, mas mabilis, at mas accessible ang mga serbisyo ng pamahalaang lungsod para sa mga mamamayan.
Taos-pusong nagpasalamat si MSWDO Head Grace Eunice Famadico-Fabella sa mainit na pagtanggap at makabuluhang pagbabahagi ng Lungsod Quezon.








