Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isang makabuluhang benchmarking visit ang isinagawa ng Municipality of Bongabong, Oriental Mindoro sa Quezon City Veterinary Department. Binisita nila ang Quezon City Animal Care and Adoption Center upang matuto at makakuha ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga programa at best practices sa rabies control, animal welfare, at responsible pet ownership.
Layunin ng aktibidad na magsilbing gabay sa pagpapaigting ng mga programa ng Bongabong para sa mas ligtas at responsableng komunidad.










