Mainit na tinanggap ng mga opisyal ng Quezon City Government sa pangunguna ni Asst. City Administrator Atty. Rene Grapilon at Councilor Egay Yap ang mga kinatawan ng Municipality of Calintaan, Occidental Mindoro para sa kanilang benchmarking activity kung saan ibinida ng QC ang mga best practices sa lokal na pamahalaan.
Nagpasalamat naman si Mayor Dante Esteban sa mga natutunan ng kanilang mga department heads at iba pang opisyal ukol sa pagpapatupad ng Ease of Doing Business, Human and Social Services, Economical Development, Environment and Climate Change, Infrastructure, Urban Planning and Development, Institutional Development at iba pang good governance practices.