Bumisita sa Quezon City ang mga opisyal ng Municipality of Quezon, Bukidnon Province upang mag-benchmark o obserbahan ang proseso at mga programa ng lungsod.

Sa kanilang pagdating sa QC Hall, nag-courtesy call kay QC Acting Mayor Gian Sotto si Municipal Mayor Pablo Lorenzo III kasama ang mga barangay officials ng Quezon, Bukidnon.

Kasama ang Barangay Community Relations Department at QC Tourism Department, nilibot ng mga opisyal ang Quezon Heritage House sa QMC.

Nagtungo rin sila sa Barangay Holy Spirit, Hall of Famer ng Barangay Seal of Good Housekeeping, upang pag-aralan at makipagpulong sa mga barangay official tungkol sa mga proyekto at aktibidad na maaari nilang i-adopt at i-replicate sa kanilang munisipalidad.