Sumailalim ang 50 vendors mula sa Murphy Public Market sa Financial Literacy Session na pinangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) katuwang ang QC Market Development and Administration Department kahapon.
Bahagi ito ng inilunsad na programang Paleng-QR sa lungsod na layong mapabilang ang mga market vendors sa digital payment ecosystem at maging future-ready sila.
Tinuruan din ang mga stallholders sa paggamit ng cashless transactions mas maging convenient ang kanilang pagnenegosyo. Nagbigay din ng tips ang BSP upang makaiwas sa scams ang mga vendors.
Sa tulong ng Paleng-QR program ay mas mapapabilis ang transaksyon ng mga vendors at mamimili. Magsisilbi rin itong option sa mga konsyumer na tumatangkilik sa digital transaction.