Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita ang Lokal na Pamahalaan ng Nabua, Camarines Sur, sa Lungsod ng Quezon para sa isang benchmarking activity.
Sa pangunguna ni Atty. John Thomas S. Alferos III, City Government Department Head III, Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod, ibinahagi niya ang mga epektibong pamamaraan sa digital at online na proseso ng legislative operations ng lungsod.
Layunin din nito ang agaran at transparent na paghahatid ng serbisyo publiko at paggawa ng mga ordinansa at resolusyon. Sa ganitong pamamaraan nababawasan din ang paggamit ng papel at iba pang gastusin para sa operasyon.










