Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ang Naga City Government sa kanilang benchmarking activity sa QC.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kay Naga City Mayor Nelson Legacion ang digitalization initiatives ng lungsod, partikular sa real property tax.
Ipinaliwanag din ng City Assessor’s Office ang kanilang mga programa tulad ng QC Real Property Assessment and Taxation Systems (QCRPATS) at Enhanced Tax Mapping System (eTAXMAPS).