Nakiisa ang mga kabataang QCitizen sa isinagawang film showing ng “Sigaw ng Katahimikan” sa SM Novaliches ngayong araw.
Tinatalakay sa pelikula ang mga napapanahong hamon at suliranin na kinakaharap ng mga kabataan ngayon.
Ang proyektong ito ay inisyatibo ng Nagkaisang Nayon Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) sa pangunguna ni P/B Sonny Dela Cruz, BCPC Co-Chairperson Kgd. Metoy Faustino, at BCPC Focal Person Karren Gamilla Rana.
Nakiisa rin sa film showing ang konseho ng Brgy. Nagkaisang Nayon kabilang sina Kgd. Danny Drueco, Kgd. RJ Medina, Kgd. Weslee C. De Leon, Kgd. Jing Jacob Calma, Kgd. Obet Gonzaga, at GAD Focal Person Joyce Dela Cruz.
Dumalo naman at nagbigay ng suporta si Rep. PM Vargas kasama sina Action Officer William Bawag, P/B Mike Jamin ng Brgy. Pasong Putik, P/B Fabie Ortega ng Brgy. San Agustin at BCPC Focal Persons ng iba-ibang barangay.
Bukas ang Barangay Nagkaisang Nayon na ipahiram ang pelikula upang makatulong sa programa ng iba pang BCPC sa lungsod.










