Tunay na business-friendly city ang QC!
Magiging ganap at lehitimo na ang mga nano-enterprise sa lungsod alinsunod sa Ordinance No. SP 3272, S-2024.
Ang maliliit na negosyo katulad ng mga sari-sari store at mga karinderia ay maaari nang mag-rehistro online at magkakaroon na ng business permit.
Kailangan lamang bayaran ang fire clearance, inspection certificate, at registration fee na 500.00.
Sa pamamagitan nito, mas madali na ang pagbibigay ng tulong, suporta, at ayuda sa nano-entrepreneurs sa Quezon City.
Naging bahagi ng Nano-Enterprises Registration Launch sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. Candy Medina, Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia, at Small Business and Cooperative Development and Promotions Office head Mona Yap.