Handang-handa na ang lokal na pamahalaan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong hapon sa Lungsod Quezon.
Sanib-pwersa ang mga ahensya ng national and local governments upang matiyak ang kaayusan ng SONA.
Nakahanda ring tumugon ang mga tauhan ng Quezon City Police District, QC Disaster Risk Reduction and Management Council, Transport and Traffic Management Department, Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, Metropolitan Manila Development Authority, at mga QC barangays.