Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ngayong Pebrero, ipinagdiriwang natin ang ika-35 National Arts Month! ![]()
![]()
![]()
![]()
Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 683, s. 1991, idineklara ang Pebrero bilang National Arts Month upang kilalanin ang mahalagang papel ng sining sa paghubog ng ating kultura at pambansang identidad.
Sa temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting,” binibigyang-diin kung paano nagiging boses ng katotohanan ang sining at nagbibigay-inspirasyon at tapang na sumasalamin sa tunay na diwa ng Pilipino.





