Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy National Aspin Day ![]()
Ngayong Agosto 18, ipinagdiriwang natin ang kahanga-hangang katangian ng mga Asong Pinoy—mga asong tunay na likas sa Pilipinas! ![]()
Bagama’t kadalasang nakikita sa kalsada, ang mga aspin ay may natatanging tibay ng loob at katapatan. Kaya naman, nararapat lamang silang bigyan ng pag-aaruga at respeto, bilang mga alaga o bilang bahagi ng ating komunidad.
Para sa mga nais mag-ampon ng Asong Pinoy, may mga aspin na kasalukuyang nasa pangangalaga ng QC Animal Care & Adoption Center na naghihintay ng kanilang fur-ever home: https://www.facebook.com/animalcareandadoptioncenter




