Cycle for a good cause
Bilang bahagi ng Adoption & Alternative Child Week celebration, idinaos sa Lungsod Quezon ang bike ride for a cause ng National Authority for Child Care (NACC).
Sa “Bisig-Kleta,” ligtas na sabay-sabay na namisekleta ang volunteer bikers sa kahabaan ng Quezon Avenue at Eliptical Road. Nagkaroon din ng advocacy concert at bike activities para sa mga kabataan sa Quezon Memorial Circle.
Tumayo namang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Councilor Dok G Lumbad sa naganap na programa.