Sumali ang mga kawani at panauhin ng Quezon City sa National Bible Week Event nitong Huwebes para palalimin ang pananampalataya at bigyang-halaga ang Salita ng Diyos bilang gabay sa araw-araw na pamumuhay at serbisyo.
Sa temang “God’s Word Brings Life,” idiniin ni Pastor Leslie Villorente ang kahalagahan ng Bibliya bilang pinagmumulan ng pag-asa, at tamang asal.
Ibinahagi ni Pastor Leslie ang maikling pelikulang “Faith,” na tumampok sa talata mula sa 2 Corinthians 5:7 — “For we walk by faith, not by sight.”
Nagbigay din ng isang espesyal na mensahe si Ms. Emmaloisa Malibiran-Salumbides, Executive Committee Member ng PBS Board of Trustees.
Bilang pagtatapos, ginawaran si Pastor Leslie ng Certificate of Appreciation ng Quezon City Public Library OIC Ms. Mariza G. Chico, bilang pagkilala sa kanyang makabuluhang pagbabahagi.








