Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakilahok sa isang film showing ang mga kawani ng City Accounting Department, City Budget Department, at Procurement Department bilang bahagi ng selebrasyon ng National Bible Week.
Sumentro sa temang “God’s Word Brings Life (Love, Integrity, Faith, Engagement)” ang reflection ni Bro. Anthony Biazon matapos ang film showing.
Layon nitong itaguyod ang moralidad at values formation sa personal na buhay at sa trabaho ng mga empleyado sa tulong ng Salita ng Diyos.
Dumalo sa aktibidad sina City Accountant Ruby Manangu at City Budget Officer Marian Orayani.
Parte ito ng iba-ibang aktibidad na inorganisa ng Office of the Vice Mayor, kasama ang City Accounting Department, at Quezon City Public Library, sa pagdiriwang ng 2026 National Bible Month.










