Nakiisa ang Lungsod Quezon sa pagdiriwang ng National Bicycle Day 2023 ngayong Linggo na inorganisa ng Department of Public Order and Safety – Green Transport Division (DPOS-GTD).
Sabay-sabay na pumadyak ang mga siklistang nakilahok sa higit 6-km bike ride kasama si Vice Mayor Gian Sotto paikot sa Quezon City Hall.
May tema itong “pedal in style, ride with a smile,” kung saan marami sa mga siklista ang may kanya-kanyang constumes mula sa recycled materials.
Nagpa-raffle din ang GTD para sa mga sumali ng mga bike kits and accessories, appliances, bikes, at escooter.