Bida ang QC sa Active Mobility!
Panalo ang Quezon City Government sa National Bike Day celebration ng Department of Transportation-Active Mobility Project Office kahapon, November 24, 2024 sa ArcoVia, Pasig City.
Itinampok ng lokal na pamahalaan ang iba-ibang active mobility initiatives ng lungsod sa idinaos na Active Transport Expo.
Tinanggap ni Assistant City Administrator for Operations Alberto H. Kimpo, bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, ang parangal na “Most Outstanding Local Active Transport Program” kasama sina Department of Public Order and Safety Head General Elmo DG. San Diego at Parks Development and Administration Department Head Arch. Red Avelino.
Ito ang ikalawang beses na natanggap ng lungsod ang nasabing parangal. Patunay ito ng patuloy na paninindigan ng lokal na pamahalaan na makabuo ng isang livable, green, at sustainable na lungsod.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin at i-follow ang official Facebook account ng DPOS-GTD (https://facebook.com/dpos.gto) at Parks Development and Administration Department (https://www.facebook.com/PDADQC).