QC is a certified bike-friendly city! 🚴‍♀️

Muli natin itong pinatunayan matapos umani ng mga parangal ang ating lungsod sa ginanap na National Bike Day Awards and Recognition 2023 ng Department of Transportation (DOTr) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Iloilo City.

Kinilala si Mayor Joy Belmonte bilang Notable Public Official dahil sa kanyang adbokasiya na magkaroon ng mas maayos at ligtas na bike lanes at isulong ang sustainable at alternatibong transportasyon sa lungsod.

Panalo rin ang QC sa mga sumusunod na kategorya:

•Bike Lane Infrastructure Quality Award

•Main Category: Gold Awardee

Maraming salamat sa inyong suporta QCitizens sa ating pagsusulong ng green transport sa lungsod.