Pinarangalan ng Department of Transportation (DOTr) ang Quezon City LGU sa ginanap na National Bike Day: Bike Lane Awards noong Nobyembre 27.

Tinanggap nina Asst. City Administrator Alberto Kimpo at Green Transport Division Chief Corazon Medes ang Silver Award, kasabay ng ilan pang LGUs na nagwagi.

Pinangunahan nina DOTr Sec. Jamie Bautista ang ginanap na parangal kasama ang Makati Business Club, at Ayala Foundation Inc.

Ibinida rin ang programang ‘Wheels for Work’ ng Ayala Foundation Inc. kasama sina Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg, Netherlands Embassy Deputy Ambassador Robert van der Hum, Department of Health (DOH) Undersecretary Beverly Ho, Department of Public of Public Works and Highways (DPWH) Assistant Secretary Eric Ayapana, Move As One Coalition Lead Convenor Dr. Robbie Siy, at mga miyembro ng Inter-Agency Technical Working Group for Active Transport (IATWG-AT).

Suportado ng pamahalaang lungsod ang pagsulong ng mga programa para sa active transport kaya patuloy ang pagpapaunlad ng ating mga bike lanes para sa mas accessible at ligtas na pag biyahe ng mga siklista sa QC.