Bilang paggunita sa National Cancer Awareness Month ngayong Pebrero, pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang Cancer Screening Activity na ginanap sa Quezon City Hall, kung saan isinagawa ang Breast, Cervical, Prostate, at Lung Cancer Screening para sa mga kawani ng pamahalaang lungsod.
Kabilang sa prayoridad ng lungsod ang pagpapalawak ng suporta sa mga programang pangkalusugan upang mapababa ang bilang ng mga naaapektuhan at pumapanaw dahil sa sakit na cancer.
Nakiisa sa aktibidad sina QC Health Department Cancer Control Coordinator Dr. Karen See, Persons with Disability Affairs Office Head Debbie Dacanay, at Philippine Cancer Society Operations Manager Romeo Marcaida, RN.
Patuloy na isinusulong ng QC ang cancer awareness sa pamamagitan ng tamang impormasyon, maagang pagsusuri, at wastong pag-iwas at gamutan.








