Nagdaos ang World Vision – Project ACE ng National Coordination Planning para sa FY 2024 kung saan tinalakay ang mga importanteng hakbang ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang masugpo ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children o OSAEC.
Dumalo si District 4 Councilor Egay Yap at PESO Head Rogelio Reyes upang magbigay ng mensahe ng pakikiisa. Nagpaabot naman ng video message si Mayor Joy Belmonte upang bigyang diin ang hangarin ng lokal na pamahalaan na labanan ang OSAEC.
Sinuri sa pagtitipon ang mga hakbang na ginawa ng mga ahensya matapos ang Information Sharing sa Da Nang, Vietnam noong Agosto 2023 kung saan dumalo ang mga kawani ng Quezon City Government.
Ibinida sa talakayan ang mga inisyatibo ng lungsod gaya ng Zero Child Labor Campaign, pakikipag sanib-pwersa ng QCtizien Helpline 122 sa Makabata Helpline, pagbuo ng Quezon City Plan Against Child Labor Strategic Framework 2023-2028 at ang pagdedeklara sa lungsod bilang sentro ng laban kontra OSAEC.
Sa tulong ng United States Department of Labor, patuloy na sinusuportahan ng Project ACE (Against Child Exploitation) ang pamahaalan kontra OSAEC na isa sa mga Worst Forms of Child Labor (WFCL).