Nagsagawa ang National Council for Children’s Television (NCCT) ng Community Engagement for Media Monitoring seminar na dinaluhan ng mga Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) Focal Persons, mga social worker ng Social Services Development Department (SSDD), at ilang mga magulang.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kanilang kaalaman at partisipasyon sa pagsusulong ng responsable at child-friendly media para sa kapakanan ng bawat bata.
Naging resource speaker sa programa si Prof. Flordeliz L. Abanto, Deputy Executive Director ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa media monitoring scorecard at media and information literacy.
Ang Media Monitoring Scorecard ay naglalaman ng mga pamantayan sa pagtataya ng media content upang matukoy ang pagiging angkop nito para sa mga bata.
Hinihikayat ang bawat QCitizen na makiisa sa pagtaguyod ng ligtas at responsableng media para isulong ang child-friendly QC!










