Congratulations!![]()
Itinanghal ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), bilang CHAMPION sa Thematic Award Category ng National Council on Disability Affairs Partners Award Recognition 2025.
Nakamit ng QC ang parangal bilang pagkilala sa Disability Inclusive Employment Program ng lokal na pamahalaan na layong mabigyan ng trabaho ang mga kababayan nating may kapansanan.
Dumalo sa event si PDAO Head Ms. Deborah Dacanay.





