Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Hulyo 17 hanggang 23 bilang ‘National Disability Rights Week’ taun-taon sa bisa ng Proclamation No. 597 s. 2024. Layon nitong palawakin ang kamalayan ng mga Pilipino sa mga karapatan ng mga taong may kapansanan.
Ang Quezon City Government ay aktibong nakikilahok sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo na sumusuporta sa kapakanan ng mga taong may kapansanan para sa isang inklusibong komunidad para sa lahat.