Magkaisa tayo tungo sa mas inklusibong komunidad!
Sa bisa ng Proclamation 597 s. 2024, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang July 17 hanggang 23 bilang National Disability Rights Week.
Layon nitong mas palawakin pa ang kaalaman at kamalayan ng publiko ukol sa mga karapatan ng bawat taong may kapansanan.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Innovation for Inclusion: Building Inclusive Communities Together”.
Dito sa QC, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang iba-ibang programa para sa kapakanan ng mga QCitizen na may kapansanan. Tinitiyak rin ng pamahalaang lungsod na mayroong sapat at pantay na oportunidad para sa mga persons with disability sa QC.
