Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ipinagdiriwang ngayong July 17 hanggang 23, 2026 ang National Disability Rights Week, alinsunod sa Proclamation 597 s. 2024.
Ang tema ngayong taon ay “Rights First, Legislation Forward: Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development.”
Binibigyang-diin ng pagdiriwang ang pangangailangan ng mas matibay na pagtutulungan ng iba-ibang ahensya ng gobyerno upang isulong ang mga batas na inklusibo para sa mga taong may kapansanan. Layon din nitong patuloy na isulong at pangalagaan ang karapatan ng mga person with disability, at masiguro ang kanilang mas makabuluhang pakikilahok sa komunidad.
Dito sa QC, kasama lahat sa pag-unlad.






