Laging maging handa, QCitizens!
Alinsunod sa Executive Order No. 29 S. 2017, ang buwan ng Hulyo ng bawat taon ay idineklarang National Disaster Resilience Month.
Pinapaalalahanan ang bawat Pilipino na mas pagtibayin ang katatagan at kahandaan laban sa mga banta ng kalamidad o sakuna na maaaring magdulot ng panganib.