“Kaalaman, Kaligtasan at Katatagan”
Ang buwan ng Hulyo ay idineklara bilang National Disaster Resilience Month, alinsunod sa Executive Order No. 29 S. 2017.
Pinapaalalahanan ang bawat QCitizen sa kahalagahan ng pagiging handa, mula sa sariling tahanan hanggang sa buong komunidad.
Sa pamamagitan ng tamang impormasyon, disaster drills, at pagtutok sa kalikasan, kaya nating harapin at lagpasan ang anumang banta ng kalamidad o sakuna.
