QCitizens, laging maging handa sa anumang sakuna! ![]()
![]()
![]()
Ipinagdiriwang natin tuwing buwan ng Hulyo ang National Disaster Resilience Month, alinsunod sa Executive Order No. 29, s. 2017.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas.” Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng kahandaan, pagtutulungan, at sama-samang pagkilos ng pamahalaan, pribadong sektor, akademya, civil society, at bawat mamamayan sa pagharap sa mga kalamidad.
Kaisa ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), sa patuloy na pagpapatupad ng iba-ibang programa at inisyatibong nagpapatibay sa disaster preparedness, risk management, at emergency response ng lungsod.
Bilang bahagi ng selebrasyon, narito ang mga aktibidad na handog ng QCDRRMO para sa inyo. Tingnan ang schedule of activities dito: https://www.facebook.com/share/p/17wHdnhHQg/?mibextid=wwXIfr






