Nagtipon-tipon ang mga alkalde na bahagi ng National Executive Board ng League of Cities of the Philippines sa Hilton Clark Sun Valley Resort sa Mabalacat, Pampanga, para sa 3rd Convergence and 75th National Executive Board ng LCP.
Pinangunahan ang pulong nina LCP President at Cebu City Mayor Mike Rama at LCP National Chairman at Bacolod City Mayor Albee Benitez. Dumalo din si Mayor Joy Belmonte na Executive Vice President ng LCP.
Alinsunod sa tema ng pagtitipon na “LCP in Action: Connected, Creative, Challenge Ready,” naging sentro ng talakayan ang mga makabagong paraan para sa pagpapa-unlad ng mga lungsod, at kahandaan upang harapin ang mga hamon.
Tinalakay din sa pulong ang pagpapalakas ng Health Care Services sa mga lungsod.



