Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa QC, kinikilala natin ang pamilya bilang unang tahanan ng pagmamahal at pagkalinga. ![]()
Ngayong linggo ay ating ipinagdiriwang ang National Family Week alinsunod sa Proclamation No. 60 s. 1992.
Ito’y bilang pagkilala sa kahalagahan ng bawat pamilyang Pilipino bilang haligi ng ating lipunan.
Nawa’y magsilbing paalala ang linggong ito na higit sa anumang tagumpay o bagay, ang pinakamahalagang kayamanan natin ay ang matatag na pamilya na siyang sandigan ng isang mas ligtas, masigla, at maunlad na bayan.
Happy Family Week, QCitizens!




