QCitizens, April is National Filipino Food Month! ![]()
![]()
![]()
Tuwing buwan ng Abril, ipinagdiriwang natin ang National Filipino Food Month o Buwan ng Kalutong Pilipino, alinsunod sa Proclamation No. 469, s. 2018.
Sa temang “Connected by Taste: Filipino Food in the Flavors of ASEAN,” itinatampok ngayong taon kung paano nagkakaugnay ang pagkaing Pilipino at iba-ibang lutuin mula sa mga bansang kabilang sa ASEAN. Makikita rin dito kung paano naging bahagi ng ating tradisyon ang kanilang impluwensya.
Dito sa Quezon City, patuloy nating tinatangkilik at ipinagmamalaki ang mga pagkaing #TatakKyusi—mula sa sikat na lechon ng La Loma hanggang sa mga kainan sa lungsod na kinilala ng Michelin Guide 2026. Patunay ang mga ito na ang sarap ng lutuing Pilipino, kayang makipagsabayan sa panlasa ng buong mundo. ![]()
![]()
![]()






